-- Advertisements --
Mas pinalawig pa ng Houston Rockets sa walong sunod na panalo matapos talunin nila ang Philadelphia 76ers 113-102.
Nanguna sa panalo ng Rockets si Kevin Durant na nagtala ng 29 points.
Nagdagdag naman ng tig-19 points sina Jabari Smith Jr at Amen Thompson habang mayroong 15 points at walong rebounds si Tari Eason.
Nag-ambag din sa panalo ng Rockets sina Alperen Sengun na mayroong 12 points habang 10 points naman si Josh Okogie.
Nasayang naman ang ginawang 23 points ni Tyrese Maxey at 21 points, anim na rebound ni VJ Edgecombe para sa Sixers.
















