-- Advertisements --

Itinumba ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors, 119-103.

Pinangunahan ni NBA superstar Lebron James ang panalo ng Lakers sa kaniyang double-double performance – 26 pts, 11 assists, 8 rebounds. Nagbulsa rin ang 40 anyos ng dalawang steal at isang block.

Hindi nakasagot ang Warriors sa 61 overall shooting percentage ng LAL, kasama ang 16-of-22 3-point shots ng koponan.

Umabot pa sa 27 points ang pinakamalaking lead ng LAL hanggang sa unti-unti itong naibaba ng Golden State.

Sa naging laban ng GS at Lakers, hindi nakapaglaro si NBA superstar Stephen Curry na dalawang beses pa lamang nakakapasok sa hard court mula noong nabigyan ng clearance dahil sa injury.

Inalat naman ang defensive specialist ng 2022 NBA champion na si Draymond Green matapos siyang malimitahan sa dalawang puntos, limang rebounds, at anim na assists.

Una nang nakapasok sa 2026 playoffs ang Lakers habang bumagsak naman sa 37-43 ang GS at nananatili sa western conference Play-In Tournament. (report by Bombo Genesis)