-- Advertisements --

Sinabi ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na isa si Ramil Madriaga sa pinakamahalagang testigo sa imbestigasyon ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Diokno, kailangang personal na marinig ng House Committee on Justice ang testimonya ni Madriaga upang mapatunayan ang nilalaman ng kanyang affidavit kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education.

Si Madriaga, na itinuturong dating “bagman,” ay kasalukuyang nakakulong sa Taguig dahil sa kasong kidnapping at inaasahang haharap sa komite sa April 14,2026.

Dagdag ni Diokno, ang testimonya nito ang maaaring magpatibay sa reklamo o magdulot ng pagbabasura ng kaso. 

Nasa paunang yugto pa ang imbestigasyon upang tukuyin kung may sapat na basehan bago ito iakyat sa Senado.