-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ng NBA si Dallas Mavericks rookie Cooper Flagg.
Siya ang pinakabatang manlalaro sa kasaysayanng NBA na nakapagtala ng 50 point.
Sa edad nitong 19 anyos at 103 araw ay nakapagtala ito ng 51 points, anim na rebounds, tatlong assists at tatlong steals.
Naitala ito sa pagkatalo ng Mavs sa Orlando Magic 138-127.
Si Flagg ay siyang pang-siyam na rookie sa NBA na nakapagtala ng 50 points game.
Kasama niya sa listahan sina Wilt Chamberlain, Rick Barry, Earl Monroe, Brandon Jennings, Elgin Baylor, Elvin Hayes, Kareem Abdul-Jabbar at Allen Iverson.
Ang nagdaang record ni Flagg ay 49 points na may pinakamataas na score bilang teenager noong ito ay hindi pa umabot ng edad 20 hanggang Disyembre 21.
















