-- Advertisements --

Suspendido ng isang laro si Los Angeles Lakers star Luka Doncic matapos na maitala ang kanyan ika-16 na technical foul ngayong season. 

Dahil dito, hindi makakalaro is Doncic sa laro ng kanyang koponan kontra  Washington Wizard sa Lunes. 

Nakuha ni Doncic ang technical foul sa ikatlong quarter ng panalo ng lakers laban sa Brooklyn Nets noong Byernes sa iskor na 116-99. Nagkaroon ng girian si Doncic at ang Nets forward na si Ziare Williams matapos siyang tawagan ng offensive foul. 

Ayon sa liga, awtomatikong mapapatawan ng isang larong suspensyon ang ika-16 na technical foul ng isang manlalaro. Tinataya namang aabot san humigit-kumulang $264,000 ang mawawala sa taunang sahod ni Doncic.

Sa ilalim ng patakaran ng NBA, bawat karagdagang dalawang technical fouls matapos ang ika-16 ay katumbas ng panibangong isang larong suspensyon. 

Sa kabila nito, nananatiling dominante si Doncic ngayong season, na may record na 33.7 puntos, 8.2 assists, at 7.8 rebounds kada laro. Pinangungunahan niya ang Lakers, na nasa 48-26 na record at kasalukuyang nasa pangatlo sa Western Conference.