-- Advertisements --
Umapela ang dalawang Filipino-American NBA personalities sa kanilang mga fans na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sa kanilang mga social media account ay nagpost sina Miami Heat coach Erik Spoelstra at Utah Jazz star Jordan Clarkson ng mga videos na nanghihikayat sa mga basketball fans na tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.
Si Spoesltra ang unang Asian-American head coach ng kasaysayan ng four major North American sports leagues at unang Asian-American head coach na nagwagi ng NBA championships.
Habang si Clarkson na hinirang bilang 2021 NBA Sixt Man of the Year ay nanawagan ng tulong malaki o maliit man ay mahalaga para sa mga binayo ng bagyo.