Pormal nang umupo bilang bagong commander ng Visayas Command (VISCOM) si outgoing 8th ID commander, M/Gen. Pio Diñoso kapalit ni Lt. Gen. Roberto Ancan na nagretiro na sa serbisyo kahapon August 21, 2021 matapos ang apat na dekadang military career.
Mismong si AFP chief of staff Lt.Gen Jose Faustino ang nanguna sa change-of-command at retirement ceremony na isinagawa sa Camp Lapu-Lapu, Cebu City.
Si Lt. Gen. Ancan ay miyembro ng Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.
Kabilang sa mga pwesto na hinawakan ni Ancan ay ang UN Military Observer at Timor Leste commanding cfficer of AFP Peacekeeping Operations Center; at battalion commander ng tatlong ibat ibang Infantry Battalions ng 10th Infantry (Agila) Division sa Mindanao.
Samantala, ang bagong commander ng VISCOM na si Major General Pio Q. Diñoso III, ay miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988.
Mistah nito sina AFP Chief of Staff Lt. Gen. Faustino at Philippine Army Chief Lt. Gen. Andres Centino.
Epektibo noong August 11, 2021 ibinalik sa dating pangalan na Visayas Command (VISCOM) ang Central Command (CENTCOM).
“This change of leadership symbolizes the long-standing tradition and culture of organizational excellence and dynamism that we proudly espouse in the Armed Forces of the Philippines,” pahayag naman ni Lt. Gen Faustino.
Sa kabilang dako, isa sa malaking accomplishment na iniwan ni Gen. Diñoso bilang commander ng 8th Infantry Division ay ang focused military operations sa Dolores, Eastern Samar na ikinasawi ng 18 miyembro ng NPA habang 32 firearms ang narekober.