-- Advertisements --

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si Philippine Army 2nd Infantry Division commander Major General Bartolome “Bob” Bacarro ang papalit sa pwesto ni Lt Gen. Antonio Parlade bilang Southern Luzon Command Commander.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apponitment paper ni Bacarro noong June 28.

Si Bacarro ay Medal of Valor awardee at miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.

Nakatakda namang magretiro sa serbisyo si Parlade sa July 26,2021.

Si Parlade ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Bacarro kaniyang sinabi na lubos siya nagpapasalamat sa tiwala na ibinigay sa kaniya ng Pangulong Duterte, ni Sec Lorenzana at sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamumuno ni Gen. Cirilito Sobejana.

Si Baccaro ay dating Commandant of Cadets ng Philippine Military Academy (PMA) nang masawi ang isang plebo na si Darwin Dormitorio nuong 2019.

Kabilang si Baccaro sa mga opisyal na kinasuhan pero dinismiss din ng korte ang alegasyon laban sa opisyal.