-- Advertisements --

Nagpaabot ng pagbati ang iba’t-ibang lider ng bansa sa pagkakatalaga ni Pope Leo XIV.

Karamihan sa kanila ay nais na makatrabaho si Cardinal Robert Provest sa mga global issues.

Nanguna si US President Donald Trump kung saan sinabi nito na isang makasaysayan ang pagpili kay Cardinal Prevost dahil siya ang unang American Pope.

Sa pinagsamang pahayag naman nina European Council President António Costa at European Commission President Ursula von der Leyen ay tiwala sila na gagamitin ng Santo Papa ang boses para pagkaisahin ang mga bansa.

Hilingi naman ni Russian President Vladimir Putin na magkaroon ng masiglang pangagatawan ang bagong Santo Papa.

Magugunitang dakong alas-12:05 ng madaling araw ng Biyernes ora sa Pilipinas ng lumbas ang puting usok sa Chimney ng Sistine chapel na nangangahulugan na mayroon ng napiling Santo Papa ang 133 na mga cardinals.

Matapos ang isang oras ay lumbas sa balkonahe ng St.Peters Square Basilica si Cardinal Protodeacon Dominique Mamberti para ianunsiyon na mayroon ng bagong napiling Santo Papa.

Ilang minuto ay pormal na lumabas si Pope Leo XIV kung saan kumaway sa mga tao at nagsigawan ang ilang daang libong mga tao na dumalo sa pagpili ng bagong Santo Papa.

Sa unang bigkas niya bilang Santo Papa ay binati niya ang mga tao.

Sa talumpati nito ay binati niya ang namayapang si Pope Francis at hinikayat ng publiko na alalahanin ang mga nagawa nito.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang kapwa cardinals na pumili sa kaniya.

Matapos ang pagsasalita ng Italian ay nagsalita rin ito ng Spanish.

Handa umano itong magtayo ng tulay para sa malawakang pag-uusap at ng makamit ang kapayapaan.