-- Advertisements --

Nagpapatuloy hanggang ngayon ang ginagawang monitoring ng Philippine National Police hinggil sa umano’y pagdating ng mga kinatawan ng International Criminal Court sa ating bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. kasunod ng mga ulat na mayroon nang ilang mga kinatawan ng ICC ang nakapasok na sa ating bansa.

Sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa Kampo Crame, hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni PNP Chief Acorda ang naturang balita.

Ngunit gayunpaman ay nilinaw niya na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang monitoring at pangangalap ng kapulisan ng mga impormasyon ukol dito.

Matatandaan na una nang sinabi ni Bureau of Immigration at Department of Justice na kapwa wala pa silang mga natatanggap na opisyal na impormasyon kaugnay sa posibilidad ng pagpasok ng mga ICC investigators sa Pilipinas na nagnanais a imbestigahan ang umano’y mga naging paglabag sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Pangulong Rodrigo Roa Duterte.