Reading Time: 1 minute
Kevin Durant
Kevin Durant/ IG post

NAGA CITY – Malaki ang paniniwala ngayon ng mga taga-California na makakabawi na sa Game 4 ang Golden State Warrios.

Sa report ni Bombo International Correspondent Vern Sanchez mula Oakland, California kinumpirma nito na ikinalungkot ng labis ng mga supporters ng Warriors ang naging resulta ng Game 3 matapos itong talunin ng Toronto Raptors sa mismong home court.

Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin aniya ang mga taga-California na makukuha ng Golden State ang kampenato sa NBA Finals ngayong taon.

Magugunitang hindi pinayagang makapaglaro si Thompson dahil sa injury nito.

Samantala sa pagbabalik ni Thompson bukas, umaasa naman aniya ang lahat sa nasabing lugar na makakalaro na rin sa mga susunod na game ang dating MVP Finals na si Kevin Durant.