-- Advertisements --

centinos3

Pinapaalalahanan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang lahat ng kanilang miymebro na manatiling tapat sa batas at sumunod sa Chain of Command sinuman ang nakupong Commander in Chief.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala kasabay ng pagtitiyak na ang buong 145 libong pwersa ng AFP ay solidong nasa likuran ng Chain of Command at nananatiling tapat sa konstitusyon.

Ang pahayag ni Zagala ay matapos bilinan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang AFP na wag pansinin ang sinasabi ni dating AFP Southern Luzon Commander retired Lt. Gen. Antonio Parlade na pabor sa revolutionary Government.

Sa isang statement, tinuligsa ni Lorenzana ang umano’y pagtatangka ni Parlade na idamay ang Department of National Defense (DND) at AFP sa kanyang paghahayag ng kanyang mga personal na hinaing at panawagan sa pagtatag ng revolutionary Government.

Sinabi ni Lorenzana na sisiguraduhin niya na ang lahat ng miyembro ng AFP ay susunod sa probisyon ng Konstitusyon na nagbabawal sa mga aktibong miymebro ng militar na makilahok sa partisan politics o sumuporta sa sinumang kandidato.