GENERAL SANTOS CITY – Naghalo ang tuwa at lungkot ng mga sundalo sa nalalapit na Pasko at Bagong taon matapos nagdeklara si President Rodrigo Duterte na wala ng ceasefire laban sa mga kumunistang grupo ang New Peoples Army at Bangsa Moro Islamic Freedom Fighters .
Ito ang sinabi ni Lt. Col. Dindo Atilano, spokesperson ng 6th Infantry Division na nakabasi sa Central Mindanao.
Ayon pa nito naging dehado ang mga sundalo kung may ceasefire dahil naging sagabal ito sa tropa ng gobyerno gayong gigamit naman ito ng mga kalaban para magsagawa ng pag-atake, pag consolidate para atakihin at makapangolekta sa mga negosyante.
Dagdag ni Atilano na magpatuloy ang opensiba at target ang mga terorista habang nalungkot naman na hindi makasama ang kanilang pamilya nitong Pasko.
Itoy dahil nakaantabay ang Joint task force central sa maraming aktibidad habang tinututukan din ang paggsurender na mga lokal terrorist kagaya ng BIFF at NPA.
Handa namang harapin ang mga kalaban para protektahan ang mga mamamayan para manatili ang seguredad lalo na ngayong holiday season.