IMG 20191227 122312

Tuluyan nang pinabiyahe ng Philippine Coast Guard (PGC) ang lahat ng mga pasahero sa iba’t ibang pier sa bansa na na-stranded dahil pa rin sa bagyong Ursula na nananatili pa rin sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Bumiyahe na ngayon ang lahat ng mga barko at motorbanca na una nang pinigilang pumalaot ng PCG para maiwasan ang ano mang aberya sa laot.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, binigyan na nila ng go signal ang mga shipping lines na pumalaot gaya sa Nortn Port Terminal sa Maynila.

Maliban sa port sa Maynila, pinayagan na ring bumiyahe ang mga nasa Batangas port at iba pang pantalan sa bansa dahil lifted na rin naman ang signal ng bagyo.

Nauna na ring pinayagang makasampa sa mga barko ang mga roro sa Matnog Port sa Sorsogon na tatawid pa Samar dahil maganda na rin ang lagay ng panahon sa lugar.