Mas naghigpit pa ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakasa ng kanilang pagiinspeksyon partikular na sa mga sasakyang lumalabas-masok sa loob ng National Headquarters.
Ito ay batay na rin sa naging kautusan ni bagong PNP- Highway Patrol Group Director Col. Hansel Marantan katuwang ang PNP Integrity Monitoring Enforcement Group at maging ang PNP Support Service na mas higpitan ang pagiinspeksyon sa mga sasakyang papasok sa kampo.
Sa kanilang ginawang inspesyon, isa-isang sinisilip at chinecheck ang mga plaka, rehistro ng sasakyan, maging mga lisensya ng mga driver nito bago pa man tuuyang makapasok sa loob ng PNP.
Ipinapaalis din ang mga transparent covers sa ilang mga sasakyan bilang bhagi ng security measures ng pulisya
Samantala, ayon naman sa pamunuan ng PNO, mahigpit nang ipinagbabawal ang anumang mga accessories na nakalagay sa mga plaka at siniguro na ang mga ganitong operasyon ay magtutuloy-tuloy sa lahat ng uri ng sasakyan, sa opisyal man , service mobil at maging sa mga mayroong sticker ng PNP.