-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hindi mapapalampas ng ilang mga residente na apektado ng lockdown sa Koronadal City ang umano’y ibinigay na expired o sirang foodpacks ng lokal na gobyerno ng South Cotabato.

Pero sa naging panayam kay Barangay Sto. Nino, Prk. Malipayon President Darwin “Dotdot” Suelan, kaniyang ipinaliwang ang insidente na dahil aniya sa kanilang pagmamadali na ipamigay ang mga nasabing foodpacks sa mga apektadong residente ay hindi na nila nabusisi o natingnan ang kondisyon nito.

Nabatid na halos ang mga bigas na kasali sa foodpacks ay hindi na mapapakinabangan pa, habang may mga delata ang kinakalawang na rin.

Pinaniniwalaan ng ilang residente na matagal nang nakaimbak ang foodpacks kaya hindi na kaaya-aya ang itsura nito.

Samantala, panawagan naman ng opisyal sa kanyang mga residente na nakatanggap ng expired foodpacks na ibalik na lamang sa kanilang opisina at hahanapan ng paraan upang mapalitan ng bago.