ILOILO CITY – Labis na ikinatuwa ng mga pulis sa Western Visayas ang natanggap na cash incentives mula kay Philippine National Police Chief, Police General Debold Sinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na maliban sa paglatag ng mga bagong programa, namigay rin ng cash incentives si Sinas.

-- Advertisement --

Ayon kay Malong,kabilang sa mga nakatanggap ng cash incentives ay ang mga pulis na may birthday ngayon Pebrero at mga ikakasal sa Marso.

Maliban dito, tiniyak rin anya ni Sinas na mapapabilis ang reimbursement process sa hospitalization expenses ng mga pulis na masusugatan sa mga operasyon at burial package para sa mga masasawi.