-- Advertisements --

Nanawagan si Nepali President Ramchandra Paudel sa mga mamamayan nito na magkaisa matapos ang patuloy na kilos protesta.

Hinikayat nito ang mga protesters na magsagawa sila ng pag-uusap.

Matapos kasi ang pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister KP Sharma Oli ay nilusob ng mga protesters ang parliament building at kanila itong sinunog.

Hindi rin nakaligtas ang bahay ng nagbitiw na Prime Minister matapos na lusubin ng mga protesters subalit ito ay napigilan ng mga kapulisan.

Bukod kasi sa Prime Minister ilang mga cabinet ministers din ng Nepal ang nagbitiw.

Naglabas naman ng apila ang Nepali Army sa publiko na manatiling kalmado.

Magugunitang sumiklab ang kaguluhan ng ipagbawal ng gobyerno ang paggamit ng social media ganun din sa laganap na kurapsyon sa nasabing bansa.