-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine envoy sa New Delhi, India, na kanilang i-repatriate ang mga Pilipino na nais ng umuwi ng bansa sa sandaling bumalik na sa biyahe ang mga commercial flights.

Ayon kay Ambassador Ramon Bagatsing Jr., sa ngayong mahirap pa magsagawa ng repatriation, dahil marami pang mga bansa ang nagpatupad ng travel ban sa India, at walang direct flight ang Pilipinas at India.

Sinabi ni Bagatsing na kakaunti pa lamang na mga Pilipino sa India ang nagpahayag ng umuwi ng bansa.

Aniya, dapat aabot sa 150 na mga Pilipino ang dapat magpahayag na nais nilang umuwi ng Pilipinas.

Nasa 73 Filipinos sa India ang nagkaroon ng respiratory illness at dalawa dito ang namatay.

Sa ngayon, naka lockdown ang New Delhi dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases sa naturang bansa.

Sa datos ng Departmen of Foreign Affairs (DFA) nasa kabuuang 18,380 Filipinos abroad ang infected sa COVID-19.

Sa kabilang dako, pinagbabawal din ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa South Asian nation na pumasok ng bansa.