-- Advertisements --

Pumalo na sa 14 na mga Filipino ang nasawi dahil sa malawakang wildfire sa Maui, Hawaii.

Sinabi ni Hawaii Consul General Emil Fernandez na ang pinakahuling nadagdag ay kinilalang si Glenda Yabes, 48-anyos mula sa Ilocos province.

Kasalukuyang pinaghahanap ang kasamahan ni Yabes sa bahay na kinilalang sina Angelic Baclig, Joel at Adela Villegas, Junmark at Felimon Quijano, Lydia Coloma, at Luz Bernabe.

Ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Rogelio Mabalot, 68, Salvador Coloma, 77, at Rodulfo Rocutan, 76 na mga residente ng Ilocos.

Magugunitang mayroong 10 Filipino ang unang nakasama sa 55 nasawi dahil sa malawakang sunog at sila ay kinalalang sina: Conchita, 74, at Danilo Sagudang, 55, Narciso, 67, at Vanessa Baylosis, 67, Carlo Tobias, 54, Joseph Lara, 86, Buddy Jantoc, Alfredo Galinato, 79, Pablo Pagdilao, 75, na kamag-anak ni Pagdilao mula sa Ilocos Norte, at 50-year-old Eugene Recolizado mula sa San Juan, Metro Manila.