Nasa 858 na mga Filipinos na nasa ibang bansa ang gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na rin sa 2,455 ang mga Filipino na nasa ibang bansa ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Sa nasabing bilang ay mayroong 1,313 ang kasalukuyang nagpapagaling.

Mayroong 284 na rin ang nasawi matapos na dapuan ng virus.

Nangunguna pa rin ang Europa sa may pinakamaraming rehiyon na nagpositibo na mayroong 748 na sinundan ng Middle East na mayroong 712.

Nanguna naman ang Amerika na ay pinakamaraming bilang ng mga nasawi.