-- Advertisements --

MANILA – Matagumpay ang ekspidesyon ng Pilipinong scientist na si Dr. Deo Florence Onda sa “Emden Deep.” Ang ikatlong pinakamalalim na bahagi ng mundo.

Pasado alas-5:00 ng hapon nitong Martes nang umahon sa karagatang bahagi ng Philippine Trench ang DSV Limiting Factor na nagsakay sa Pinoy scientist, at American explorer na si Victor Vescovo.

“I’m actually very honored to be part of this trip. Sa mga Pilipino, ito ang Emden Deep, atin ito,” ani Dr. Onda sa isang video.

Iwinagayway ng Pinoy scientist ang watawat ng bansa mula sa 34,100-feet na kalaliman ng Emden Deep. Inabot ng 10-oras ang biyahe ng expedition team.

Kung maaalala, inimbitahan ng non-profit organization na Caladan Oceanic si Dr. Onda na sumali sa ekspedisyon.

Ang American explorer na si Vescovo ang namumuno sa grupo. Siya rin ang may hawak ng record sa pagsisid sa Marianas Trench, ang pinakamalalim na bahagi ng earth noong 2019.

“This was the first crew descented to the bottom of the Philippine Trench, specifically to the Emden Deep, the deepest point in it.”

Isang microbial oceanographer at faculty ng University of the Philippines – The Marine Science Institute si Dr. Onda.

Matatagpuan ang Philippine Trench sa silangan ng Mindanao.

Paliwanag ng UP-MSI, katumbas ng lalim ng Emden Deep ang taas kapag pinag-patong ng 12-beses ang Burj Khalifa sa Dubai, na pinakamataas na gusali sa buong mundo.

Tanging ang DSSV Pressure Drop ang may kakayahang mag-lublob at maghatid sa DSV Limiting Factor sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan.

Bago sinuong ang kailaliman ng Emden Deep, ibinahagi ni Dr. Onda ang kahalagahan ng pakikibahagi ng Pilipino sa naturang ekspedisyon.

Bukod kasi sa Pinoy scientist, ilang mga Pilipinong crew din ang lulan ng DSSV Pressure Drop.

An appreciation post for DSSV Pressure Drop Crew and Officers headed by Capt. Stuart Buckle operated by EYOS…

Posted by Deo Florence L. Onda on Saturday, March 20, 2021

“With the ship are the Filipino crew who are contributing their skills and talents to make the voyages and dives safe and meaningful. They are the reasons why the aquanauts are able to accomplish their missions and tell tales of the deep seas.”