-- Advertisements --

Pinayuhan ng PBA ang mga manlalaro na magtiis muna dahil hindi nila makikita ang kanilang kaanak kapag ipinatupad na ang bubble format ng liga.

Gaya aniya ng NBA ay pagbabawalan kasi na makapunta ang mga kaanak ng mga players at team members sa bubble league sa Clark, Pampanga.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, na kailangang magtiis ang mga manlalaro sa nasabing bagong setup.

Magkakaroon rin ng mahigpit na protocols na ipapatupad kung san nasa 25 katao lamang sa bawat koponan kasama na dito ang 15-man roster.

Ipapaubaya naman ng PBA kung sino ang dadalhin ng koponan na maaaring ito ay mga physical therapist, ball boys o assistant coach.

Kapag nakapasok na sila sa bubble league ay hindi na sila makakalabas at wala ring live audience sa pagpapatuloy ng liga.

Plano din ni Marcial na magsisimula ang bubble sa Setyembre at inaasahan matatapos ito sa unang linggo ng Disyembre.