KORONADAL CITY – Punuan pa rin hanggang sa ngayon ang mga bahay pagamutan sa bansang India dahil sa dami ng mga kaso na isinusugod sa kada araw.

Ito ang iniulat ni Bombo international correspondent Aiza Malik na tubong lungsod ng Koronadal sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Aiza, base na rin sa paniniwala ng nga Hindu at dahil sa dami ng bilang ng mga namamatay sa India, patuloy pa rin ang kaliwa’t kanang mass cremations sa iba’t ibang lugar.

Una nang napaulat na nagkukulang din ang mga oxygen tanks sa mga bahay pagamutan dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng bilang nga mga kinakabitan nito at limitado na ang kapasidad ng mga apparatus kahit na sa mga malalaking ospital sa India.

Dagdag pa ni Aiza, ang ibang mga nagkakasakit dahil sa COVID-19 ang mas minabuti na lamang na manatili sa kanilang mga tirahan o ‘di kaya’y nanatili na lang sa looob ng kanilang sasakyan para ‘di na makahawa pa sa ibang miyembro nga pamilya.