World Dream 1 1
World Dream

Pinababa na rin ang ilang libong pasahero ng cruise ship sa Hong Kong matapos na magnegatibo ang mga ito sa novel coronavirus.

Nasa 3,600 na pasahero at crews ng World Dream ship ang pinauwi makaraang apat na araw na nai-quarantine at dumaan sa pagsusuri.

Sinabi ni chief port health officer Leng Yiu-Hong na lahat ng crew members ay nagnegatibo sa coronavirus kaya pinayagan na rin silang makalabas ng cruise ship.

Magugunitang inilagay nitong nakaraang Miyerkules sa quarantine ang World Dream matapos na ang dating tatlong pasahero nito ay nadapuan ng virus.

Kung maalala ang World Dream ay dumaan din ng Pilipinas peron hindi pinayagang makadaong at magbaba ng pasahero dahil sa nCoV scare.