-- Advertisements --
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang pagpapatuloy ng mga pagtatayo ng railway projects kahit na may ipinapatupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.
Sinabi Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, na nabigyan ng exemption ng taskforce ang ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno.
Ilan sa mga proyekto na magpapatuloy ay ang LRT-1 Cavite extention, LRT-2 East extention, MRT-3 rehabilation, PNR Clark 1 and Clark 2 , Subic-Clark railway, PNR Calamba-Bicol ,Mindanao railway at Mega Manila Subway.
Sa ngayon ay pakonti-konti ang kanilang ginagawang trabaho at kapag tuluyan ng nawala ang lockdown ay puspusan na ang kanilang gagawing construction.