-- Advertisements --
Pumalo na sa 119 ang bilang ng mga naitatalang pagyanig sa lalawigan ng Camarines Sur at mga karatig nitong lugar.
Ayon sa Phivolcs, dulot pa rin ito ng earthquake swarm o paggalaw ng magkaka-ugnay na tectonic plates sa nasabing bahagi ng Southern Luzon.
Una nang naraanasan ang mga inisyal na pagyanig sa Ragay, Camarines Sur, nitong mga nakalipas na araw.
Sa 119 na pagyanig, umaabot sa 57 sa mga ito ay na-monitor ng higit sa dalawang instrumento habang 42 naman ang naramdaman ng mga residente.
May lakas na 1.6 hanggang 4.4 ang aftershocks na naitala, habang may lalim naman ito na hanggang 34 km.
Na-monitor ang karamihan ng lindol sa pamamagitan ng Guinayangan, Quezon station ng Phivolcs.