-- Advertisements --

Handa si Vice President Sara Duterte na magrekomenda ng British international law expert bilang abogado ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sakaling arestuhin ito ng International Criminal Court (ICC).

Sa panayam sa Negros Occidental, nilinaw ng Bise Presidente na wala pa siyang kumpirmadong impormasyon sa umano’y arrest warrant mula sa ICC ngunit pinayuhan na niya ang Senador noon pang Abril na maghanda at pumili ng abogadong may karanasan sa mga kaso sa ICC.

Dagdag niya, nakausap niya ang anak ng Senador na si Rocky dela Rosa at inialok na magrekomenda ng British counsel na eksperto sa international law kung nanaisin ng Senador.

Nitong Martes, nanindigan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla siyang hawak na mayroong unofficial ng arrest warrant na inisyu umano ng ICC.