Nakataas pa rin ang heavy rainfall sa malaking bahagi ng Mindanao dahil sa mga mabibigat na pag-ulang dala ng Intertropical Convergence Zone.
Ayon sa state weather bureau , aasahan pa rin ngayong araw ang mga mabibigat na pag-ulan sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Basilan, Tawi-Tawi, Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro, Davao Oriental, at Davao Occidental dahil sa naturang weather system.
Sa araw naman ng Sabado ay aasahan pa rin ang mga pag-ulan sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Basilan, Sulu, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at Davao Occidental dahil sa parehong weather disturbance.
Ilang lugar na sa Mindanao ang lubog na sa baha ngunit muling nagpaalala ang state weather bureau na posible pa ang mga pag-ulan hanggang ngayong weekend kaya’t pinag-iingat pa rin ang lahat sa mga insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulnerableng lugar.
Pinapalikas rin ng ahensya ang mga residente na malapit sa mga ilog dahil sa posibleng pagtaas ng tubig dulot ng mga pag-ulan.
Samantala, makararanas naman ng maiinit at maalinsangang panahon ang ilang lugar sa bansa habang eatserlies naman ang madadala ng bahagyang maulap na panahon sa nalalabing bahagi ng bansa sa dakong hapon o gabi.