Varadkar Leo
Irish Prime Minister Leo Varadkar/ IG post

Nagdesisyon ang Ireland Republic na isara ang mga paaralan at ilang mga pampublikong pasilidad.

Sinabi ni Irish Prime Minister Leo Varadkar, na magsisimula ang nasabing pagsasara simula sa Biyernes hanggang Marso 29.

Ang nasabing hakbang ay ipinatupad matapos na magtala ng kauna-unahang pagkamatay ng isang nadapuan ng coronavirus.

Magugunitang isang matandang babae ang nasawi matapos na magpositibo sa COVID-19 nitong Miyerkules.

Kakanselahin din ang mga indoor mass gathering na mayroong mahigit 100 katao na dadalo ganun din ang outdoor gathering na dadaluhan ng 500 katao.