-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Maayos pa ring ang kalagayan ng mga OFWs sa bansang Qatar kahit nararanasan sa buong mundo ang COVID-19 crisis.
Ayon kay Bombo International Correspondent Virginia Malag, isang OFW sa Qatar at tubo ng Kalinga, bilang isang household worker ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho.
Sinabi niyang wala namang problema sa trabaho ng mga OFWs na driver doon ngunit apektado ang trabaho ng ilang Pinoy sa ibang sektor.
Inihayag niyang hindi ito nakakalabas sa bahay ng kanyang amo dahil sa quarantine ngunit wala namang problema sa kanyang mga employer.
Idinagdag ni Malag na isa sa mga problema ng mga OFWs sa Qatar ang mahirap na pagpapadala ng pera sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.