Nakahanda pa rin umano ang mga private hospitals na tumanggap ng mga pasyente ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling sumipa na naman ito sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Private Hospitals Association Philippines Inc. (PHAPHI) President Dr. Jose de Grano, kaya pa naman daw ng mga private hospitals na mag-accomidate ng mga pasyente sa ngayon.
Sa kasalukuyan daw ay marami rin ang mga non-COVID cases ang naa-admit sa mga pribadong ospital na kailangan nilang pagtuunan ng pansin.
Pero aminado naman si De Grano na malaking problema nila sa ngayon ang kakulangan ng nga nurses na magsisilbi sa mga COVID patients kung dadami na naman ang mga maa-admit sa mga ospital.
Una nang sinabi ng PHAPI president na marami raw sa mga nurses sa pribadong sektor ang nagsialisan at nagtungo sa ibayong dagat dahil na rin sa mas magandang oportunidad doon.