Nakahanda ang gobyerno na ibalik ang pondo ng Philhealth kung ito ay iuutos ng Korte Suprema.
Tinanong kasi ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno si Finance Sec. Ralph Recto kung ano ang magiging hakbang ng pamahalaan kung ipasaoli ng Korte Suprema ang pondo ng Philhealth na at Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na ibinalik sa National Treasury.
Sa budget briefing ng DBCC, nausisa ni Diokno kung paano tutugon ang gobyerno kung magdesisyon ang SC pabor sa petitioners na ideklarang unconstitutional ang paglilipat sa National Treasury ng P60 billion na pondo ng philhealth at P104 billion ng PDIC na kasalukiyang tinatalakay ng Kataastaasang Hukuman.
Tugon ni Recto, tatalima dito ang pamahalaan ang ibabalik ang naturang pondo.
Kailangan aniya ito ipasok sa national budget na aaprubahan ng Kongres.
Kung sakali man aniya na magbaba ng desisyon ang SC sa kalagitnaan ng budget season ay ipapasok ito sa susunod na panukalang pondo.
Gayonman aminado si Recto na maaari ito maka-apekto sa ating credit rating dahil sa lalaki ang deficit o kakulangan sa pondo.
Sa bisa ng Department of Finance Circular 003-2024 inilipat sa national treasury ang P60 billion mula sa sobrang pondo ng PhilHealth.
Ginamit ito para sa mga poyektong nasa unprogram appropriations gaya na lang ng Health Emergency Allowances ng COVID-19 frontliners.