-- Advertisements --
Handang kunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga nawalan ng trabaho at mga informal settlers para maging contact tracers.
Ayon sa DOLE na ang nasabing pagkuha nila sa mga dito ay bahagi ng emergency employment program ng ahensiya.
Ang hakbang ay para tuluyang mapababa ang kaso sa National Capital Region at sa apat na kalapit na probinisya nito.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello na ang mga lokal na pamahalaan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at sa NCR ang bahala na magsanay sa mga kukunin na contact tracers sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government.
Sa nasabing hakbang ay mapapabilis ang pagtukoy sa mga nadapuan ng COVID-19 sa nasabing lugar.