Malapit na umanong maabot ang 90 percent o mahigit 58 million na balota na gagamitin sa May 9 elections ang naimprenta na ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia, kabuuang 58,838,453 na balota o katumbas ng 87.2 percent ng total number ng mga balota ang naimprenta.
Nasa 67,442,616, ang kabuuang bilang ng mga balota na kailangang iimprenta para sa national at local elections.Sa 17 rehiyon, hindi pa nakumpleto dito ang mga balotang gagamitin sa National Capital Region (NCR) at Region 4-A maliban sa Quezon Province.Kahapon nasa 671,154 o 9.17 percent pa lamang ang naimprentang balota sa NCR sa kabuuang bilang ng mga balota na 7,322,361.
Sa Calabarzon, nasa 5,816,117 o 74.86 percent sa mga balota ay naimprenta na mula naman sa total na 7,769,073 na balota.Nasa 105,853 na mga balota naman ang kailangang iimprenta matapos madiskubreng depektibo.
Samantala, muli namang nagpaalala ang Comelec official sa publiko na ang poll body personnel lamang ang otorisadong mag-distribute ng voter information sheets (VIS).
Ang VIS ay ibibigay lamang sa mismong araw ng halalan.