PNP PRO-12 FLAG RAISING 2019
PRO-12 traditional Monday flag raising and awarding ceremony (file photo)

KORONADAL CITY – Nakatakdang isailalim sa spiritual retreat ang mga pulis sa Police Regional Office (PRO-12) na nahaharap sa mga kaso at disciplinary proceedings.

Ayon kay PRO-12 regional director Brig. Gen. Eliseo Rasco, ipapadala ang naturang mga nagkasalang pulis sa Our Lady of Lourdes Parish sa bayan ng Polomolok para sa dalawang araw na recollection.

Hindi nito tinukoy kung ilang pulis ang ipinadala para sa spiritual retreat ngunit sinasabing na-assign ang mga ito sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit.

Dagdag ng police general, layunin ng aktidad na ma-boost ang morale ng Philippine National Police personnel sa kanilang pagpapatupad sa kanilang tungkulin.

Tema ng spiritual retreat ay ” Repentance, a Pathway to Forgiveness,” sa pangunguna ng Regional Chaplain’s Office at Regional Community Affairs and Development Division.