-- Advertisements --

Lumobo pa sa mahigit 24.8-milyon ang mga estudyanteng nag-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa ilang araw matapos ang pagbubukas ng klase noong Oktubre 5.

Sa datos na inilabas ng Department of Education (DepEd), ito ay 89.3% ng enrollment turonout noong nakalipas na taon.

Kung hihimayin, umabot na sa 22.5-milyon ang mga enrollees sa mga public schools.

Habang 2.1-milyon naman ang enrollment turnout sa mga pribadong institusyon.

Samantala, nasa 397,000 na ang mga nagpatala sa Alternative Learning System ng kagawaran.

Una nang sinabi ng DepEd na umaasa pa sila na madaragdagan ang bilang ng mga mag-eenroll kahit nagsimula na ang mga klase para sa school year 2020-2021.

Tatanggap pa rin daw ng mga enrollees ang mga paaralan sa buong bansa hanggang sa Nobyembre 21.