Patuloy na ang paglayo sa Luzon ang bagyong Isang kung subalit nasa Signal Number 1 pa rin ang 15 lugar sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang sentro ng bagyo ay nakita sa 120 kilometers ng West Northwest ng Bacnotan La Union.
May taglay ito na hangin ng 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 85 kph.
Nakataas naman ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar: Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Carranglan at Lupao sa Nueva Ecija.
Inaasahan na makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa umaga o hapon ng Agosto 23.
Lalo pa ito lalakas habang papalapit sa karagatan ng Hainan, China.