-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos, Jr. para pag-usapan ang posibleng pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net-worth (SALN).

Ito ay kasunod ng kabi-kabilang insiyatiba ng ilang kongresista at senador, na isapubliko ang kopya ng kanilang mga SALN.

Sa press briefing sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, na bukas nakatakda ang pulong ng mga Cabinet officials.

Hindi sinabi ni Castro na kasama si Pangulong Marcos sa nasabing pulong.

Bukas nakatakdang umalis ng bansa ang Pangulo patungong Malaysia para dumalo sa ASEAN.

Hindi pa rin aniya malinaw ang mga detalye kung may iba pang agenda na pag-uusapan sa nasabing pulong.

Naging matipid naman ang sagot ni Castro nang tanungin kung magkukusa ba si Pang. Marcos, Jr. sa pagsasapubliko ng kanyang SALN, dahil kailangan aniyang tingnan kung ano ang nararapat para dito.

Nauna nang sinabi ng pangulo na handa naman niyang ilabas ang kopya ng kanyang SALN kung hihilingin ng Ombudsman o Independent Commission for Insfrastructure.