espenido
Maj. Jovie Espenido

TACLOBAN CITY – Naniniwala ang kontrobersyal na si Ozamiz City PNP director Maj. Jovie Espenido na hindi lang ang mga pinaniniwalaang ninja cops ang dapat imbestigahan kundi pati na rin ang protektor ng mga ito.

Ayon kay Espenido, ang mga ninja cops ay nasa recycling ng illegal na droga lamang at wala umanong mangyayaring recycling kung walang malalaking opisyal na protektor nito.

Dagdag pa nito ang mga matataas na opisyal ay hindi nagrerecycle ng droga kundi nagproprotekta lang sa mga senior officer upang hikayatin ang mga ito na magsagawa ng iligal na gawain.

Binigyang diin din nito na kailangang mapanagot lahat ang mga ninja cops at mga malalaking opisyal na nasa likod ng mga ito.