-- Advertisements --

Nakakuha ng katiyakan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers na hindi muna sila magtataas ng presyo ng kanilang pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, na lahat ng mga manufacturers ay tumugon sa nasabing pakiusap nila na huwag munang magtaas ng pangunahing bilihin.

Tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga manufacturers at retailers para matiyak na ito ay mahigpt na naipapatupad.

Sa mga susunod naman na linggo ay nakatakda silang maglabas ng mga listahan ng noche buena items.