-- Advertisements --
Nagkasundo na ang NBA at ang Players Association ng liga na pagbawas sa sahod ng mga manlalarong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Base sa kasunduan, bawat laro ay babawasan ang kanilang sahod ng 1.91 percent.
Hindi rin makakatanggap ng luxury tax relief ang mga manalalaro dahil sa nasabing pagkaltas.
Nagbunsod ang nasabing usapin matapos na may ilang NBA players ang nagmatigas na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong dalawang siyudad tulad ng New York at San Francisco na hinihiling ang mandatory na pagpapabakuna sa mga manlalaro.
Gaya sa Madison Square Garden at Barclays Center na dapat magpakita ng proof ng pagpapabakuna kahit isang beses lamang ang mga manlalaro bago makapaglaro.