-- Advertisements --

Kinukuwestiyon ng ilang mga mambabatas ang draft guidelines para sa pagsasagawa ng halalan ng Commission on Election (Comelec).

Sa isinagawang Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC) hearing, inimbitahan si Commission on Election executive director Bartolome Sinocruz Jr. at sinabi nitong kanila pang isinasapinal ang tinatawag na “New Normal” guidelines.

Maaring ito ay maisapinal at mailabas sa buwan ng Oktubre.

Subalit duda ang ilang mambabatas dahil sa may ilang nakasaad sa probisyon na tila advantage ito sa mga incumbent officials.

Sinabi ni Senator Imee Marcos na may ilang probisyon na mayroong aktibidad na nasa desisyon ng incumbent officials kung kanila itong papayagan.

Payo naman ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na dapat magtalaga ang Comelec ng election officers sa lugar, petsa at panuntunan sa mga pangangampanya.

Tiniyak naman ni Sinocruz na kanilang tutugunan ang mga suhestiyon ng mga mambabatas.