-- Advertisements --

Nagkukumahog ngayon ang mga lokal na magsasaka dahil sa nananatiling mababa ang farmgate prices ng ng mga palay.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na dapat ay magpatupad ang gobyerno na ng P5 na kada kilo na support price at bawiin ang taripa sa mga imported na bigas.

Ibinunyag din nila na walang epekto at palpak ang ipinatupad na import ban dahil hindi nito napataas ang farmgate price ng mga bigas na ito ay nananatili sa pagitan ng P10 hanggang P12 kada kilo habang sa ibang lugar ay umabot pa ng P8.00 kada kilo.

Inaasahan pa na mas bababa ang presyo sa susunod na buwan dahil sa panahon ng anihan.

Naiparating na nila ang kanilang hinaing sa Department of Agriculture at umaasang matutugunan ang kanilang hiling.