-- Advertisements --

Posibleng maibalik na ang mga laro sa NBA sa Sabado at Linggo.

Sinabi ni NBA executive vice President Mike Bass, ito ay kanilang napagkasunduan matapos ang pagkansela ng mga laro nitong nakalipas na Huwebes at Biyernes.

Magpupulong pa aniya ang kanilang NBA board para sa detalye nang desisyon.

Magugunitang nakansela ang mga laro kahapon matapos ang pag-boycott ng Milwaukee Bucks bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan ng Wisconsin sa African-American na si Jacob Blake.

Sinundan naman ito ng dalawang pang teams.

Nitong araw naman ng Biyernes kaselado na rin ang mga laro.