-- Advertisements --

Tuluyan nang kinansela ng NBA ang mga tatlong playoff games ngayong araw.

Kasunod ito sa unang pag-boycott ng Milwaukee Bucks sa laban nila ng Orlando Magic bilang pagpapakita ng protesta sa pamamaril ng mga kapulisan kay Jacob Blake, isang American-African mula sa Kenosha, Wisconsin.

Unang maghaharap kasi ang Bucks at Magic dakong alas-4:00 ng umaga ng Huwebes oras sa Pilipinas kung saan abanse ang Bucks 3-1 sa best of seven first round playoffs.

Susundan sana ng paghaharap ng Oklahoma City Thunder at Houston Rockets na nasa tabla ang serye 2-2 at Los Angeles Lakers laban sa Portland Trailblazers kung saan abanse ang Lakers, 3-1.

Samantala, ililipat naman sa ibang araw ang mga ipinagpaliban na mga laro ngayong araw sa Game 5.

NBA B