CBA
Chinese Basketball League
-- Advertisements --

Babalik na sa Hunyo 20 ang mga laro sa Chinese Basketball Association (CBA).

Ayon sa liga, aprubado na ng sports and health department ang kanilang pagbabalik sa darating na Hunyo 20 at napaghandaan na nila ito.

Dahil sa nasabing nalalapit ng CBA ay inaasahan na rin na magbabalik na rin sa paglalaro ang football at ilang mga pangunahing sports sa bansa.

Mahahati sa dalawa ang 20 koponan at ito ay lalaruin sa dalawang lungsod sa Qingdao sa northeast at Donnguan naman sa south.

Nauna rito, pansamantalang itinigil ang mga laro sa CBA noong Pebrero dahil sa pagdami ng mga kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

-- Advertisement --