CAGAYAN DE ORO CITY – Pinahinay-hinay na ngayon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang ilang multi-national companies maging mga maliliit na mga negosyante o elected officials na hihinto nang magbigay monetary support sa malawakang extortion activites ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army sa bansa.
Ito ay kung hindi gusto ng mga politiko o may-ari ng mga negosyo na mahaharap ng mga paglabag sa probisyon ng Anti-Terror Law dahil nagpaabot suporta ng armadong kilusan na naglalayong pabagsakin ang demokrasya.
Ginawa ni Brig/Gen Ferdinand Barandon mula sa 403rd Infantry Batallion,Philippine Army kaugnay pagka-aresto ng tatlo umanong finance officers ng CPP-NPA sa magkaibang operasyon sa bayan ng Don Carlos at Valencia City,Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Barandon na kung gusto ng mga negosyante na matigil na ng tuluyan ang pangingilkil ng mga rebelde ay kailangang itigil na nila ng mga ito ang pamimigay ng suporta o mahaharap ng kaso.
Inihayag ng heneral na sa natitira umanong mga araw nang panunungkulan ni Presidente Rodrigo Duterte ay sisikapin nila na tuluyang matutuldukan ang mga galaw ng mga komunista at mga rebelde na higit 50 taon na nakikipaglabang armado sa gobyerno.
Magugunitang naaresto ng pulisya at militar sina Mary Jean Villados,45 anyos na taga-Valencia City;Cecilia Acenas,64 anyos at Helen Coleta ng kapwa taga-Don Carlos Bukidnon dahil nagsilbi umanong finance officers ng CPP-NPA sa Northern Mindanao.