CEBU CITY – Nagpasaring sa isa’t-isa ang mga kandidato sa pagka-congressman sa 1st District ng Lalawigan ng Cebu sa isinagawang Debate sa Bombo 2019.

Ito’y matapos na nag-face off sina Dr. Ron del Mar at Pastor Solomon Boy Paypa upang harapin ang mga isyu na nakakaapekto sa mga botante lalo na sa unang distrito at sa Talisay City.

Ngunit “no show” sa naturang debate ang incumbent mayor at congressional candidate na si Eduardo Gullas dahil sa umanoy hindi malinaw na dahilan.

Unang nilinaw ni Dr. Del Mar na importanteng malaman ng publiko ang health condition ng isang kandidato upang makita ang kapasidad nito bilang isang public servant.

Habang nagbigay naman ng intensyon si Pastor Paypa ang pagkakandidato nito dahil pinabayaan umano ng mga nagdaang congressman ang 1st district sa loob ng mahabang panahon.

Samantala, tinalakay naman sa naturang debate ang mga isyung kinakaharap ng 1st district gaya ng pag-develop ng Talisay District Hospital, korapsyon, at ilegal na droga.

Ayon kay Dr. Del Mar na inaangkin umano ng mga Gullas ang pag-unlad ng Talisay District Hospital kahit na ang national government ang nagbigay ng pondo nito.

Sinabi din ni Pastor Paypa na may nakitang negligence of responsibility ang mga lider ng LGUs dahil sa diumanoy pagiging sangkot sa ilegal drug transaction.

Naging mapayapa naman ang debate matapos pirmahan nina Del Mar at Paypa ang peace covenant.