Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jaunito Victor “Jonvic” Remulla na magpapatupad sila ng mga review at ilang mga konsiderasyon sa implementasyon ng mga umiiral na ordinansa sa ilalim ng Safer Cities Initiatives.
Ito ay matapos na makatanggap ng ilang mga ulat na paghuli ang mga otoridad hinggil sa isang insidente ng paglabag sa Mandaluyong City.
Ayon pa kay Remulla, sa kabila ng pagsasailalim nito sa rebyu, magpapatuloy ang striktong pagpapatupad ng mga ordinansa hinggil sa inisyatibong ito para sa mas maayos na implementasyon nito.
Samantala, kabilang rin sa magiging rebyu sa inisyatibo ang pagkukumpara ng mga naitalang krimen sa parehong panahon mula sa taong 2024 at 2025 para makita kung epektibo ba ang naging implementasyon ng polisiya.
Sa ngayon nakikita naman aniya sa datos mula sa mga District Directors and Regional Directors ng Philippine National Police (PNP) na malaki ang ibinaba ng mga krimen ngyong buwan ng Abril.
















